Sekyu tiklo sa shabu
@Balitang Probinsiya | August 16, 2022
ILOCOS NORTE—Isang security guard ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. 7-B, Laoag City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jayson Mamuad, 37-anyos, residente ng Bgy. 9, San Nicolas sa nabanggit na lalawigan.
Nabatid na naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang sachets ng shabu at markadong pera pag-iingat ni Mamuad.
Nahaharap ang suspek sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments