top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sekyu, sugatan sa pananaga

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 16, 2020



QUEZON—Isang security guard ang nasa malubhang kalagayan nang pagtatagain ng hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Palola, Lucban.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang biktima hangga’t hindi naipapabatid sa pamilya nito ang nangyari sa security guard.


Ayon sa ulat, habang nagbabantay ang security guard sa Unica Flora Farm sa nasabing barangay ay bigla itong nilapitan ng suspek at agad pinagtataga ang biktima.


Matapos ang pananaga ay mabilis na tumakas ang suspek.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pananaga sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page