top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sekyu natagpuang patay sa farm

BULGAR
Aug 29, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 29, 2022


BATANGAS—Isang security guard ang natagpuang patay kamakalawa sa binabantayan nitong farm kamakalawa sa Bgy. Paraiso, Calatagan.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Junior Tabora, residente ng bayan ng Baras, Rizal at nakadestino bilang guwardiya sa farm sa naturang barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakakita sa bangkay ng ng biktima kaya't ini-report nila ito sa pulisya.


Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad ay napag-alamang may tama ng bala sa ulo ang biktima.


Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page