Sektor ng transportasyon, umaaray na sa epekto ng COVID-19 pandemic
- BULGAR

- Jul 24, 2020
- 1 min read
@Editorial | July 24, 2020
Sa virtual hearing sa Kamara, lumabas na pumapalo sa P21.3 bilyon ang nawawala sa sektor ng transportasyon kada buwan dahil sa tigil-operasyon kaugnay ng COVID-19 pandemic.
At kahit umano alisin na ang lockdown ay wala pa rin gaanong pasahero dahil mga takot pang lumabas ng bahay. May mga empleyado na rin na mas pinili nang mag-work-from-home para mas makaiwas sa kumakalat na virus.
Hindi lang land transportation ang apektado kundi maging ang airline industry, na sinasabing nakapagtala na ng 1,354 percent loss.
Kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon, talagang mahihirapang bumawi ang ating ekonomiya. Kaya ang pakiusap sa ating gobyerno ay ngayon pa lang, gawan na ng solusyon.
Kaugnay nito, patuloy din ang paghingi ng saklolo ng mga jeepney drivers na ilang buwan nang walang pasada. Ilan sa kanila ang nagtungo sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang umapela ng ayuda.
Ayon sa grupo, karamihan sa kanila ay hindi pa nakatatanggap ng tulong mula sa gobyerno mula nang magsimula ang lockdown.
Sadyang matinding pagpaplano ang kailangang gawin kasabay ng pagharap sa pandemya.
Umasa tayong kasunod ng pagkakalikha ng bakuna o gamot laban sa COVID-19 ay makakalikha rin ng mga oportunidad para sa mga tuluyan nang nawalan ng hanapbuhay.



Comments