Sapatero tepok, sekyu sugatan sa pamamaril
@Balitang Probinsiya | June 24, 2022
BATANGAS–Isang sapatero ang namatay at kritikal naman ang security guard sa isinagawang pamamaril ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa public market ng bayan ng Balayan.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Jimmy Mirabueno, 27-anyos, samantalang ang nasa malubhang kalagayan na nagtamo rin ng tama ng bala sa katawan ay ang security guard na si Joel Carpenter, 26-anyos, kapwa residente sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, habang nasa palengke si Mirabueno ay sumulpot ang mga suspek at agad itong pinagbabaril, at tinamaan naman ng ligaw na bala si Carpenter.
Nang matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa isinagawang pamamaril ng mga salarin kay Mirabueno na nagdulot kaya tinamaan ng ligaw na bala si Carpenter.



Comments