top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Salvage victim natagpuan

BULGAR
Aug 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 12, 2022


BATANGAS—Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa Bgy. Bulihan, Malvar.


Ang biktima ay tinatayang nasa pagitan ng 30-35 ang edad, may taas na 5'3, nakasuot ng kulay asul na t-shirt, kulay maroon na pantalon at magkabilang-kamay.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa pagkakatagpo nila sa bangkay ng biktima na may busal ang bibig at nakatali ang mga kamay.


May hinala ang mga awtoridad na pinatay ang biktima sa ibang lugar at itinapon lang ang bangkay nito sa naturang barangay para iligaw sa imbestigasyon ang pulisya.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang armas na ginamit sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page