top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Salvage victim, natagpuan

BULGAR
Jun 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 12, 2022


ALBAY–Isang bangkay ng lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa Bgy. Solong, Camalig.


Ang biktima ay nakilala ng pulisya na si Omar Alemanian, 28-anyos, residente ng Maopi, Daraga sa nasabing lalawigan.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakagapos ang mga kamay at may mga tama ng bala sa ulo at katawan.


May hinala ang mga awtoridad na pinatay ang biktima sa nasabing lugar dahil ilang basyo ng bala ang natagpuan dito.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page