top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Salvage victim, natagpuan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 26, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 26, 2022

ZAMBALES–Isang bangkay ng lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa isang gilid ng ilog na sakop ng Bgy. Calapacuan, Subic.


Ang biktima ay nakilala ng pulisya na si Leonardo Roxas, residente ng Mexico, Pampanga.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may saksak sa naturang barangay.


May hinala ang mga awtoridad na pinatay ang biktima sa ibang lugar at sa naturang barangay lang itinapon ang bangkay nito upang iligaw sa imbestigasyon ang pulisya.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page