Salvage victim, natagpuan
@Balitang Probinsiya | February 21, 2021
CAMARINES NORTE—Isang bangkay ng lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa liblib na lugar sa bayan ng Paracale.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Hilario Celon, residente ng Bgy. Tawig sa nabanggit na bayan.
Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima na may tama ng bala sa ulo.
May hinala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing lugar ang bangkay nito upang iligaw sa imbestigasyon ang pulisya.
Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang motibo sa naganap na krimen.



Comments