Salisi gang member, nasakote

@Balitang Probinsiya | October 21, 2020
ILOCOS SUR—Isang miyembro ng “Salisi Gang” ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Vigan City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Daniel Erfe, residente ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nahuli sa akto ni Henrick Gorospoe si Erfe na nasa loob ng kanilang bahay at dala ang laptop na ninakaw ng suspek.
Dahil dito, sinunggaban ni Gorospe si Erfe at sa tulong ng iba pa niyang kamag-anak na rumesponde ay naaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.
Nakapiit na si Erfe na nahaharap sa kasong qualified theft at trespassing.



Comments