top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sales agent, todas sa kaalitan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 15, 2022


NUEVA ECIJA–Patay ang isang sales agent nang barilin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. San Isidro, Sta. Rosa.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Bryan Reyes, nasa hustong gulang, samantalang ang suspek ay si Nonilon Palilio, 37-anyos, kapwa residente sa nasabing na barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Reyes at Palilio na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi si Reyes sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page