Sakristan, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | January 27, 2022
CAPIZ–Isang sakristan ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa ilog na sakop ng Bgy. Anhawon, Panay.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joey Dumagnon, 22-anyos at residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may malaking sugat sa mukha habang nakalutang sa nasabing ilog.
Ayon sa ulat, bago natagpuang patay si Dumagnon ay nasangkot ito sa gulo ng kalalakihang nag-iinuman sa nasabing barangay.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.



Comments