top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Rider todas sa van

  • BULGAR
  • May 29, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 29, 2022


AKLAN – Isang 59-anyos na rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng isang van ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Linabuan Sur, Banga sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rolando Tulio, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng van na minamaneho ni Jolysis Fuentes, nasa hustong gulang, kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang sinampahan na ng pulisya si Fuentes ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page