Rider, todas sa puno
@Balitang Probinsiya | January 19, 2022
AKLAN–Patay ang isang rider nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa isang puno sa Bgy. Ibao, Lezo.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Myrel Legaspi, 38-anyos, nakatira sa bayan ng Numancia sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Legaspi kaya bumangga ang motorsiklong kinalululanan nito sa puno.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival sa pagamutan.



Comments