Rider todas sa nakaparadang trak
@Balitang Probinsiya | June 3, 2022
CAMARINES SUR–Patay ang rider nang aksidenteng bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa nakaparadang trak kamakalawa sa Bgy. Concepcion, Libmanan.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Frederick Chica, 29-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ng biktima, kaya bumangga ito nakaparadang trak.
Nabatid na nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments