Rider, todas sa aksidente
@Balitang Probinsiya | February 16, 2022
CAVITE–Patay ang rider at isa pa ang sugatan sa naganap na aksidente kamakalawa sa Bgy. Makina, Naic.
Ang nasawi ay nakilalang si Arnold Pelina, 44-anyos, samantalang ang sugatan ay si Rudolf Escolango, 46-anyos, kapwa nakatira sa Cavite.
Ayon sa ulat, aksidenteng nagkabanggaan ang minamanehong motorsiklo nina Pelina at Escolango at sa pagbagsak sa kalsada ay nasagasaan pa si Pelina ng jeep na minamaneho ni Mark Animas.
Nabatid na namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente si Pelina, samantalang ginagamot na sa ospital si Escolango.
Samantala, nakapiit na si Animas na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments