top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Rider todas, nobya sugatan sa pader

BULGAR
Jun 24, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 24, 2022


AKLAN–Isang rider ang namatay at sugatan naman ang nobya nito nang aksidenteng bumangga sa pader ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Banga, Kalibo.


Kinilala ang nasawi na si Denzel Mabasa, 24-anyos, samantalang ang sugatan ay ang nobya nito na si Hyacinth Manginas, 22-anyos, kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Mabasa habang kaangkas ang nobya na si Manginas, kaya bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo sa pader.


Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga sa pader ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklara dead-on-arrival si Mabasa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page