Rider tinodas ng riding-in-tandem
@Balitang Probinsiya | May 15, 2022
RIZAL – Isang hindi kilalang rider ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Inarawan, Antipolo City sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.
Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima nang sumulpot ang dalawang salarin na sakay din ng isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang rider.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga salarin.



Comments