top of page
Search
  • BULGAR

Rider, tinodas ng riding-in-tandem

@Balitang Probinsiya | March 7, 2021



KIDAPAWAN CITY—Patay ang isang rider nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa national highway ng Bgy. Sudapin.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Jamil Alinog, residente sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, nakasakay sa kanyang motorsiklo si Alinog nang dinikitan ito ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Alinog.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page