top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Rider tinepok ng riding-in-tandem

BULGAR
Dec 10, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 10, 2022


BATANGAS—Patay ang rider nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. San Antonio, Sto. Tomas City.


Ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa ulo ay nakilalang si Christopher Baytan, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, habang nakaupo si Baytan sa kanyang nakaparang motorsiklo ay sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay naman sa motorsiklo at agad binaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Baytan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page