top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Rider tepok sa sagasa ng fuel tanker

BULGAR
Sep 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 4, 2022


CEBU—Isang rider ang namatay nang aksidenteng masagasaan ng fuel tanker kamakalawa sa Bgy. Linao-Lipata, Minglanilla.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Domingo Aquino, Jr., 55-anyos, nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo si Aquino ay nasagi ito ng multicab kaya tumumba ang biktima ay aksidenteng nasagasaan ito ng nakasunod na fuel tanker na minamaneho ni Luis Villaroso, residente rin sa nasabing bayan.


Nabatid na agad namatay ang biktima matapos masagasaan ng fuel tanker.


Samantala, sinampahan na ng pulisya si Villaroso ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property. samantalang inihahanda na rin ng mga awtoridad ang kaukulang kasong isasampa sa hindi pinangalanang driver ng multicab.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page