Rider, tepok sa nakaparadang trak
- BULGAR

- Feb 25, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 25, 2021
AKLAN—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga sa likurang bahagi ng nakaparadang trak ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tigayon, Kalibo.
Kinilala ang biktima na si Leover Salonzo, residente ng Bgy. Marianos, Numancia sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, hindi napuna ni Salonzo ang nakaparadang trak sa gilid ng kalsada kaya bumangga dito ang kanyang minamanehong motorsiklo.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi si Salonzo sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng driver ng nakaparadang trak na wala sa lugar nang maganap ang aksidente.



Comments