Rider tepok, angkas sugatan sa van
@Balitang Probinsiya | May 3, 2022
PALAWAN – Isang rider ang namatay at sugatan ang angkas nito nang aksidenteng mabangga ng isang van ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.
Ang nasawi ay si Peter De Vera, 24-anyos , samantalang ang sugatan ay ang angkas nito na si Rafael Lagrosa, 40-anyos, kapwa residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng van na minamaneho ni Jeffrey Campuid, 27-anyos, kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.
Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si De Vera.



Comments