Rider sumalpok sa poste, natepok
- BULGAR

- Sep 13, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 13, 2020
QUEZON—Patay ang isang rider nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa poste ng kuryente kamakalawa sa Bgy. Vigo, San Narcisco.
Ang biktima ay nakilalang si Bijack Meglente, nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Meglente sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya aksidenteng bumangga ito sa poste kuryente.
Napag-alamang nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan si Meglente sa naganap na aksidente.
Dinala pa ng mga saksi si Meglente sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments