top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Rider sugatan sa semplang

  • BULGAR
  • Nov 7, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 7, 2022


AKLAN—Sugatan ang rider nang aksidenteng sumemplang ang kinalululanan niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tigayon, Kalibo.


Kinilala ang biktima na si Reymark Ranigo, nasa hustong gulang at residente sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Ranigo sa pagmamaneho ng motorsiklo, kaya sumemplang ito sa kalsada.


Nabatid na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang biktima sa naganap na aksidente.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa siyang inoobserbahan sa pagamutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page