Rider patay sa banggaan ng motorsiklo at tricycle
@Balitang Probinsiya | April 4, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang rider ang namatay at dalawa katao pa ang nasa kritikal na kalagayan nang magkabanggaan ang isang motorsiklo at isang tricycle, kamakalawa sa Bgy. Busay, Bago City sa lalawigang ito.
Nakilala ang nasawi na si Rolando Suello, 48, samantalang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima na lulan ng isang tricycle.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Suello at tricycle na kinalululanan ng dalawa pang biktima kaya nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa nabanggit na barangay.
Dinala ng mga saksi ang tatlong biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Suello dulot ng tinamong malaking pinsala sa ulo sa naganap na aksidente.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na aksidente.



Comments