Rider, patay sa ambulansya
@Balitang Probinsiya | August 10, 2023
CAMARINES NORTE -- Isang 45-anyos na rider ang namatay nang mabangga ng isang ambulansya ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Iberica, Labo sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Alan San Jose Cal, residente ng Bgy. Bautista, sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Aldrin Olin sa pagmamaneho ng ambulansya kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Cal, samantalang sinampahan na ng pulisya si Olin ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments