Rider patay, angkas sugatan sa van
@Balitang Probinsiya | February 15, 2022
PANGASINAN–Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito ng aksidenteng mabangga ng van ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Banawang, Sta. Barbara.
Ang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Jeric Nisperos, nasa hustong gulang, samantalang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng angkas nito na sugatan sa naganap na aksidente.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang hindi pinangalanang driver ng van kaya nabangga ang motorsiklong kinalululanan ng mga biktima.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan si Nisperos.



Comments