top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Rider patay, angkas sugatan sa puno

BULGAR
Oct 16, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 16, 2022


AKLAN—Isang rider ang namatay at sugatan ang angkas nito nang aksidenteng bumangga sa puno ang sinasakyan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Fulgencio, Balete.


Ang nasawi ay si Leny Rico, samantalang ang sugatan ay ang angkas nito na si Arwin Villas, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa Bgy. Calizo sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol si Rico sa pagmamaneho ng motorsiklo habang kaangkas si Villas, kaya bumangga sila sa puno sa naturang lugar.


Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si Rico.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page