Rider niratrat ng mga armado
@Balitang Probinsiya | May 20, 2022
BUTUAN CITY – Isang rider ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Baan sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Albert Macasmot, 39-, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, habang lulan ng kanyang motorsiklo si Macasmot ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.



Comments