Rider, niratrat ng armado

@Balitang Probinsiya | February 15, 2021
QUEZON—Isang rider ang namatay nang pagbabarilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Pahinga Norte, Candelaria.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Jaime Limbo, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang lulan si Limbo ng kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.
Nagpalabas na rin ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang salarin.



Comments