Rider niratrat
- BULGAR
- Apr 18, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | April 18, 2022
BATANGAS – Isang rider ang namatay nang barilin ng isang lalaki kamakalawa sa Bgy. Pansol, Padre Garcia sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Sherwin Solis, 30-anyos, nakatira sa naturang barangay.
Napag-alaman na habang lulan ng kanyang motorsiklo si Solis ay biglang sumulpot ang suspek na nakilala sa alyas na "Ryan" at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek, samantalang dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments