Rider natagpuang patay sa kalsada
@Balitang Probinsiya | August 17, 2022
ILOCOS NORTE—Isang rider ang natagpuang patay kamakalawa sa gilid ng kalsada ng Bgy. 55-Vira, Laoag City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Santiago Cabusas, 61-anyos, residente ng 20-Pulang, Bacarra sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nagpapatrulya ang pulisya ay nakita ng mga ito ang biktima na nakahiga sa gilid ng kalsada at nakadagan dito ang kanyang motorsiklo.
Nang siyasatin ng pulisya ay napag-alamang patay na ang biktima.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay posible umanong habang nagmamaneho ng motorsiklo ay inatake sa puso ang biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito sa naturang lugar.



Comments