top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Rider na sekyu, tepok sa poste

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 27, 2023


AKLAN—Isang rider na security guard ang namatay nang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo, kamakalawa sa poste ng kuryente sa Bgy. Tabayon, Banga sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktima na si Ronald Oquendo, nasa hustong gulang, residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Oquendo, kaya bumangga ang motorsiklong kinalululanan nito sa poste.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page