Rider na parak todas sa trak
@Balitang Probinsiya | July 24, 2022
SORSOGON—Patay ang isang rider na pulis nang aksidenteng mabangga ng trak ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa national highway ng Cabid-an, Sorsogon City.
Kinilala ang biktima na si P/Cpl. Serafin Lacdang, Jr., nakatalaga sa Barcelona Police Station sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng trak si Wilfredo Bonete, kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Napag-alamang dahil sa lakas ng pagkakabangga ng trak sa motorsiklo ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang sinampahan na ng pulisya si Bonete ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments