Rider na lolo, todas sa semplang
@Balitang Probinsiya | May 23, 2023
CAVITE—Isang rider na lolo ang namatay nang sumemplang ang kinalululanan nitong motorisiklo kamakalawa sa Bgy. Lallana, Trece Martires City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala na si Lodovico Mendoza, 60-anyos, residente ng nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, minamaneho ni Mendoza ang kanyang motorsiklo nang bigla itong sumemplang.
Napag-alaman na nagtamo ang biktima ng malaking pinsala sa ulo nang mabagok ito sa sementadong kalsada.
Nabatid na dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments