top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Rider na lolo, dedbol sa trak

BULGAR
Jul 2, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 2, 2022


AKLAN—Patay ang rider na lolo at sugatan naman ang asawa nito nang aksidenteng mabangga ng trak ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Felicano, Balete.


Kinilala ang nasawi na si Nelito David, 66-anyos, samantalang ang sugatan ay ang asawa nito na si Elsa, nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng trak si Rodney Galvez kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng mag-asawang biktima.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ng trak ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklara dead-on-arrival si Nelito, samantalang kusa namang sumuko sa pulisya si Galvez.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page