Rider na kagawad dedo sa pader
@Balitang Probinsiya | October 9, 2022
ILOCOS SUR—Isang rider na kagawad ang namatay nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa pader sa Bgy. Cabittaogan, Sta. Catalina.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Kagawad Russell Ragasa, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Ragasa sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya bumangga ito sa pader.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments