Rider na chairman, bumangga sa poste
@Balitang Probinsiya | January 28, 2022
AKLAN–Sugatan ang isang barangay chairman nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa poste ng kuryente kamakalawa sa Bgy. Cabatanga, Makato.
Ang biktima ay nakilalang si Chairman Rene Milano, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Milano sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya aksidenteng bumangga ito sa poste kuryente.
Napag-alamang nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan si Milano sa naganap na aksidente.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at kasalukuyan na itong ginagamot sa ospital.



Comments