Rider, kritikal sa nakaparadang tricycle
@Balitang Probinsiya | February 13, 2022
AKLAN–Kritikal ang kalagayan ng hindi kilalang rider nang aksidenteng bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa nakaparadang tricycle kamakalawa sa Bgy. Pook, Kalibo.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.
Ayon sa ulat, dahil nawalan umano ng kontrol ang rider sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya bumangga ito sa nakaparadang tricycle sa sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan.



Comments