Rider kritikal sa kotse
@Balitang Probinsiya | May 6, 2022
AKLAN – Isang rider ang nasa kritikal na kalagayan nang mabangga ng isang kotse ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Linabuan Sur, Banga sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Remiel de Pedro, nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng kotse na minamaneho ng hindi pinangalanang driver kaya nabangga ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at kasalukuyan na siyang ginagamot.
Nahaharap ngayon ang driver ng kotse sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.



Comments