Rider, dedbol sa arko
- BULGAR

- Feb 9, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 9, 2021
SORSOGON—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa arko ng Bgy. Boton, Casiguran.
Nakilala ang nasawi na si Nikko Estoperes, samantalang ang sugatan ay ang angkas nito na si Ma. Krisel Borlagdatan, kapwa residente ng Albay.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Estoperes sa pagmamaneho ng motorsiklo habang kaangkas si Borlagdatan kaya bumangga sila sa arko ng nasabing barangay.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga sa arko ay nagtamo ng malalaking pinsala sa ulo at katawan ang dalawang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Estoperes.



Comments