top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Rider, binoga ng kapwa rider

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 29, 2020



NUEVA ECIJA—Isang rider ang sugatan nang barilin ng kapwa niya rider kamakalawa sa Bgy. Bantug, Science City of Munoz.


Ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa kanang kamay ay nakilalang si Eric Maniago, residente ng naturang barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sa gitgitan ng motorsiklo si Maniago at ang hindi kilalang suspek at naawat sila nang mamagitan ang mga barangay tanod.


Para makaiwas sa gulo, ipinasiya ni Maniago na paandarin na ang kanyang motorsiklo, pero sinundan siya ng suspek at agad binaril.


Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page