Rider at lolo, sugatan sa aksidente

@Balitang Probinsiya | December 29, 2020
AKLAN—Isang rider at isang 65-anyos na lolo ang kapwa sugatan sa naganap na aksidente kamakalawa sa Bgy. Lupo, Altavas.
Ang mga sugatan ay sina Rowel Deala, 20-anyos at Wilfredo Onayan, kapwa nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Deala kaya nabangga nito ang tumatawid sa kalsada na si Onayan.
Napag-alamang kapwa nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan sina Deala at Onayan.
Bagama’t sugatan din sa naganap na aksidente ay sasampahan pa rin ng pulisya ng kasong reckless imprudence resulting to physical injury si Deala dahil sa pagkabangga ng motorsiklo nito kay Onayan.



Comments