Rider, arestado sa patalim
@Balitang Probinsiya | July 8, 2022
AKLAN—Inaresto ng pulisya ang isang rider nang makumpiskahan ng patalim kamakalawa sa Bgy. Manhanip, Malinao.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Mharofrans Villanueva, 23-anyos, at residente ng Bgy. Dancalan sa nasabing bayan.
Nabatid na pinara ng pulisya ang motorsiklong minamaneho ni Villanueva at nang kapkapan ay nakumpiskahan ito ng patalim.
Kusa namang sumama sa pulisya at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.
Nahaharap ang suspek sa kasong illegal possession of deadly weapon.



Comments