top of page
Search
BULGAR

Revilla tuloy-tuloy pa rin sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad

by Info @Brand Zone | Nov. 6, 2024



Hindi na nila kinakailangan pang umabot ng 100 taong gulang para lamang makatanggap ng cash gift galing sa ating pamahalaan.


Tuloy ang pag-aabot ng tulong ng tanggapan ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa mga naging biktima ng bagyong Kristine at Leon sa pamamagitan ng kanyang Bayanihan Relief (BR) program.


Agad na nagpadala ng tubig at pagkain si Revilla sa mga residente ng Paete sa Laguna at Lian sa Batangas na apektado pa rin sa hagupit ng bagyong Kristine.


Hindi man personal na nakapunta ang Senador sa dalawang probinsya dahil balik sesyon na sa Senado, sinigurado niya na makakarating sa kanyang mga kababayan ang pinaabot niyang tulong. Sabi ni Revilla, mabilis na makakabangon ang mga kababayan kung sama-samang magtutulungan.


“Hindi ko man kayo personal na nakasama, tiniyak ko na makakarating sa inyo ang tulong mula sa inyong lingkod”, saad ng Senador.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page