top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Retiradong sundalo natagpuang patay

BULGAR
Oct 19, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 19, 2022


QUEZON—Isang retiradong sundalo ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa balon sa Bgy. Sumulong, Calauag.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Edgardo Caguimbal, 54-anyos, dating sundalo ng Philippine Air force (PAF) at nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na mismong ang misis ni Caguimbal ang nakatagpo sa nakalutang na bangkay nito sa balon.


Sinabi ng misis ni Caguimbal na dumaing ang kanyang mister na naninikip ang dibdib nito, at sa kabila nito ay nagtungo pa rin ang biktima sa balon para sumalok ng tubig.


Ayon sa misis ng biktima, nagtaka siya dahil hindi agad bumalik ang kanyang mister kaya't nagtungo siya sa balon at dito niya nakita ang bangkay ng kanyang asawa at sa pagsisiyasat ng pulisya ay maaring inatake sa puso si Caguimbal at nahulog sa balon na naging dahilan ng kamatayan nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page