Retiradong parak, tiklo sa boga
@Balitang Probinsiya | January 31, 2022
CAPIZ–Arestado ang retiradong pulis nang makumpiskahan ng baril kamakalawa sa Bgy. Malonoy, Dao.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si retired police officer Jose Marin, 60-anyos, residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya si Marin na may dalang baril kaya agad itong dinakip.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin siya ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comelec gun ban.



Comments