Retiradong parak, natagpuang patay

@Balitang Probinsiya | November 21, 2020
NUEVA ECIJA—Isang retiradong pulis ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. Manacsac, Guimba.
Kinilala ang biktimang na si ret. policeman Wilfredo Reyes, nakatira sa Bgy. Sta. Clara, Quezon sa nasabing lalawigan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkag ng biktima na may mga tama ng bala sa naturang lugar.
Huli umanong nakitang buhay si Reyes sa nabanggit na barangay habang nagdya-jogging.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang motibo sa naganap na krimen.



Comments