top of page

Regular na pagtatalik, makakatulong sa mag-asawang kapos sa buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 8, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | July 8, 2024



Dear Maestro,


Sobrang hirap ng buhay namin ngayon. May tindahan naman kami, kaya lang mahina na ang benta.Isang tricycle driver ang asawa ko, pero dahil matumal ang pasada ngayon, wala rin siyang halos kinikita.Kaya naman, naisipan kong sumangguni sa inyo para humingi ng advice kung paano giginhawa ang aming buhay. Maestro, ano ba ang masuwerte naming kulay, at pandisplay sa bahay? Isa pa, ano’ng araw at taon din kaya giginhawa ang aming buhay?Ang birthday ko ay October 18, 1985, habang December 9, 1983 naman ang mister ko.

Umaasa,Amy ng Ligaya, Gabaldon, Nueva Ecija



Dear Amy,


Pareho kayong Taong Nueve (9) ng mister mo, dahil ang birth date mong 18 ay kinokompyut ng ganito 1+8=9, kung saan, saktong 9 naman ang birth date ng mister mo.


Bukod sa pareho kayong nagtataglay ng birth date na 9, nagtataglay din kayo ng destiny number na 6, na kung saan, ang October 18, 1985 ay kinokompyut ng ganito, 10+18+1985=2013/ 20+13=33/ 3+3=6. Habang ganito ang pagkompyut sa birthday ng mister mo, 12+9+1983=2004/ 20+04=24/2+4=6. 


Kaya naman may dalawang planetang pumapatnubay sa relasyon n’yo – ang planetang Mars na may numerong 9 at Venus na may numerong 6.


Tandaan na ang planetang Mars, ang ruling planet ng mga Taong Nueve (9). Ibig sabihin, pula ang pinakamasuwerte n’yong kulay, dahil pula ang kulay ng planetang Mars.


Ang unang solusyon upang umunlad at guminhawa ang buhay n’yo ay magsuot kayo ng damit na kulay pula, puwede rin kayong magsuot ng pula na bato na pampalamuti sa singsing.


Ang ikalawang solusyon ay ang pagkain. Ang destiny number n’yong 6 ay may ruling planet na Venus, ibig sabihin masasarap at makukulay na pagkain ang dapat n’yong ihalo sa paninda n’yo. Puwede n’yo ring isama ang masasarap at malinamnam na tinapay at iba pang tsitsirya.


Ang ikatlong solusyon, kung may bakanteng lote sa harap ng bahay n’yo, magtanim kayo ng mga halaman na mabilis mamulaklak. Basta ang importante, pagandahin at gawin n’yong romantic ang inyong bakuran upang mabuhay ang inyong libido na hihigop ng suwerte at magandang kapalaran n’yo.


Ang ikaapat na solusyon, kailangang may pintura ang inyong bahay ganundin ang inyong tindahan. ‘Yun bang kahit na maliit, pero malinis at maganda namang tingnan upang tuluy-tuloy na pumasok ang suwerte at magandang kapalaran sa inyo.


Ang ikalimang solusyon, dapat mong panatilihin ang ikatlo mong lagda, pero simulan mo sa sign na “$”. Sa ganyang lagda, magsisimula na kayong umunlad at yumaman.


Samantala ang panghuling solusyon, huwag kayong mag-aaway at palagi n’yong iparamdam sa isa’t isa ang inyong pagmamahalan. Gawin n’yong pugad ng pagmamahalan ang inyong tahanan. Ang regular na pakikipagtalik ay makakatulong sa iyo para suwertehin at mas lalong gumanda ang kapalaran n’yo.


Nangyaring ganu’n, dahil ang Venayong magtalik, mas sisigla ang inyong buhay hanggang sa tuluy-tuloy kayong yumaman.


Ayon sa Decadens ng Kapalaran, sa sandaling sinusunod n’yo ang mga simpleng rekomendasyong inilahad sa itaas, tiyak ang magaganap sa taong 2027, sa edad mong 42 habang 44 naman si mister, magsisimula na kayong makaahon sa kahirapan hanggang sa tuluy-tuloy na kayong umunlad at yumaman.us ay siya ngang Diyos ng pag-ibig at kamunduhan, kaya kapag madalas k


Коментарі


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page